Dalit and Tanaga


Dream

Dalit

Pangarap ay abot-tanaw
Daa’y magsisilbing ilaw
Pag-asa’y muling lilitaw
Tila pagsikat ng araw 

Makakamit ang tagumpay
Patuloy ang pagsisikap
Lagpasan anomang hirap
Bubuo sa mga tala 

Kay gandang kinabukasan
Iyo’y ating makakamtan 
Magsama’t maghawak kamay
Liwanag ng bawat isa
Star-crossed Lovers

Tanaga 

Nais kang makilala
Sinulat sa tadhana
Ngiting kay gandang likha
‘Sing liwanag ng tala

Nais kong manatili
Malapit sa ‘yong ngiti
Maingat na inukit
‘Sang litratong ginuhit

Kailan masisilayan
Kailan pagtatagpuin
Ibabato sa buwan
Ang aking panalangin

Malayo man ang agwat
Ang mata’y magtatapat
Bulong ng kalawakan

Na ika’y mahahagkan

Comments

Popular posts from this blog

The Boy Named Crow: A Critical Analysis

Dead Stars Review

Fray Botod Review